Sa Aking pananaw, pagsisiyasat at pagmamasid ukol sa mga nilalalam ng mga mensahe, kumento, mga sinishare ng mga kaibigan sa Facebook halos kadalasan ay puro mga negatibong pananaw sa buhay o di kaya puro mga walang kakwenta-kwentang SELFIE na nila-like din naman, Ultimo pagkain ipopost at lalagyan pa ng tag na 'before and after' ang masaklap marami pa ang magla-like at comment, haaayy! Pinoy nga naman. Minsan puro problema ang pinu-post, minsan naman makikipag-away pa sa wall at mababasa ng lahat sa Fb friends. Ang pinaka-madalas ay ang mga problema sa pag-ibig, ipopost pa na nag-away sila ng bf/gf nya o di kaya mgpapalit ng status from "in relationship" to "single".
Bakit hindi natin gawing makabuluhan ang ating paggamit sa FACEBOOK? natutuwa ako kapag ginagamit ng aking mga kaibigan ang fb pra kumita ng pera katulad ng mga ibinibentang kung anu-anong abubot. Pero kadalasan naiinis angkaramihan kapag nakakakita ng mga ganun, nakakarelate ka ba? kasi ako "OO". Ganito nalang ginagawa ko kapag puro negatibo ang mga pinupost ng mga kaibigan ko sa fb, unfollow ko nlang sila, bakit? kasi ang negatibo ay nakakahawa, gugustuhin mo ba na masira ang araw mo? syempre hindi diba?
May mga post, mga page naman na positibo at kapaki-pakinabang. Yun bang meron kang mapapala at meron kang matutunan. Kagaya nalang ng FACEBOOK PAGE na ito, Fitness Avenue. Positibo ang nilalalaman at tungkol sa kalusugan. Ewan ko ba kung bakit ang mga ganitong page di pinapansin at kukonti ang nagla-like. Pero wag ka, kapag ganda at gwapong lahi ang pangalan ng page, saksakan ng likes and comment. Haayy! pinoy nga naman. Ang sa akin lang, hindi ba mas gaganda na gwapo ka at malusog ang kaalaman at katawan? Aanhin mo nman ang kagandahan kung di mo alam ang pag-aalaga sa sarili mo?
Kaya KAIBIGAN, kung may time ka na magcomment at maglike sa FACEBOOK ng mga walang kwentang bagay, pansinin mo rin ang mga ganitong FACEBOOK PAGES at magbasa ng mga nilalaman tungkol sa iyong kalusugan at iLIKE mo na rin upang kumalat pa ang mga ganitong kapaki-pakinabang.
Maraming Salamat sa pagbabasang aking blog. Ako po si John lloyd Dela cruz nagsasabing, isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.
comment kung nkarelate ka...
TumugonBurahin